[-i See YAh chEckin6 mE aWt-] jaSz kipF`h it wr3aL!! <sEkSziiChiicQ>

Post a Comment

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO1002 days ago
 

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel






Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa
ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging
talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at
iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang
malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang
magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang
tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa.
Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat
mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang
mahilig mamili?


Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para
habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman
namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa
amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo,
babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong
may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang
magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na,
balewala na. Diyan ka na sa tabi-ta bi. < /P>


"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."


Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil
naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa
umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw
daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba,
masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo

"demanding" ka.

Meron ka pang maririnig na

"I think we need space"

at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait,
maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na
ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga
bansag ang itatawag sa amin

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa
niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin?
Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami
nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo
kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami
ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa
inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan
sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level
of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya
niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan.
Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon?

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin
papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.


Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami
magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw
ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag
may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami
ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo"
lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.


Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka
pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos
sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano.


Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.


Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka
nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na
naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging
sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.
 posted by [-i See YAh chEckin6 mE aWt-] jaSz kipF`h it wr3aL!! 

Post a Comment